Update sa Elemento ng Pabahay sa 2023-2031

Ang Plano ng Pabahay ng County ay isang bahagi ng Pangkalahatang Plano ng County na pangunahing tumutugon sa mga usapin sa pabahay para sa mga hindi corporated na lugar ng Santa Clara County. Sa ilalim ng batas ng Estado, ang Plano ng Pabahay ay dapat na ma-update sa walong taong siklo, na pinangangasiwaan ng Departamento ng Pabahay at Pagdebelop ng Komunidad ng California (Housing and Community Development, HCD).

Ang Plano ng Pabahay ng County ay kasalukuyang ina-update para sa ika-anim na siklo, na sumasaklaw sa 2023-2031 panahon ng pagpaplano. Ang draft ng na-update na Plano ng Pabahay kasama ang mga apendise ay magagamit na ngayon para sa pampublikong pagsusuri. Ang administratibong buod ng Plano ng Pabahay ay isinalin sa ibaba.

Naghanda ang County ng Ulat sa Epekto sa Kapaligiran (Environmental Impact Report, EIR) para sa Update sa Plano ng Pabahay (Housing Element Update, HEU) at sa Update ng Plano sa Komunidad ng Stanford. Simula noong Hunyo 9, 2023, ang EIR ay magagamit para sa pampublikong pagrepaso sa online, at may mga pisikal na kopya na makukuha para sa pagrepaso sa Opisina nga Pagpalano ng County of Santa Clara at sa mga piling lokal na aklatan (nakalista sa ibaba).

Ang unang draft ng HEU ay ipinamahagi para sa pampublikong pagrepaso at pagkomento mula Marso 21, 2023 hanggang Abril 20, 2023, at ang draft na EIR ay ipinamahagi para sa pampublikong pagrepaso at pagkomento mula Hunyo 9, 2023 hanggang Hulyo 24, 2023. Kasunod ng panahon ng pampublikong pagrepaso at pagkomento, ang draft ng HEU ay isinumite sa Departamento ng Pabahay at Pagdebelop ng Komunidad ng California (Housing and Community Development, HCD). para sa pagrepaso noong Mayo 4, 2023. Noong Agosto 2, 2023, nakatanggap ang County ng katugunan ng HCD sa unang draft, at isinasama ng pangalawang draft ng HEU ang mga komentong ito.

Ang County ay magbibigay ng pagkakataon para makatanggap ng impormasyon at magbigay ng mga pasalitang komento ang publiko bilang bahagi ng isang naka-iskedyul na pagpupulong sa harap ng Komisyon sa Pagplano, kung kailan ipapakita sa mga gumagawa ng patakaran at sa publiko ang proyekto at ang mga natuklasan ng EIR. Ang pagpupulong ay gaganapin sa susunod na oras at lugar.

  • Komisyon sa Pagplano ng County, Setyembre 28, 2023, simula sa 6:00pm. Ang pagpupulong na ito ay idadaos sa Board of Supervisors' Chambers, County Government Center, 70 West Hedding Street, 1st Floor, San José, CA 95110. Magiging hybrid ang pagpupulong na ito at maaaring dumalo nang virtual o nang personal. Ang isang link upang makasali sa pagpupulong nang virtual ay ilalathala sa agenda, na gagawing makukuha bago ang pagpupulong sa web address na ito: https://sccgov.iqm2.com/Citizens/Detail_Meeting.aspx?ID=15317

Ang Komisyon sa Pagplano ay inaatasan sa ilalim ng batas ng estado na gumawa ng mga nakasulat na rekomendasyon sa Lupon ng mga Superbisor tungkol sa lahat ng pagbabago sa Ordinansa sa Pag-sona ng County, Mapa ng Pag-sona ng County, at Pangkalahatang Plano ng County. Kung naisin ng Komisyon sa Pagplano, ang item na ito ay maaaring ipagpatuloy hanggang Oktubre 5, 2023.

  • Komisyon sa Pagplano ng County, Oktubre 5, 2023, simula sa 9:30am. Ang pagpupulong na ito ay idadaos sa Board of Supervisors' Chambers, County Government Center, 70 West Hedding Street, 1st Floor, San José, CA 95110. Magiging hybrid ang pagpupulong na ito at maaaring dumalo nang virtual o nang personal. Ang isang link upang makasali sa pagpupulong nang virtual ay ilalathala sa agenda, na gagawing makukuha bago ang pagpupulong sa web address na ito: https://sccgov.iqm2.com/Citizens/Detail_Meeting.aspx?ID=15497

Ang website ng proyektong ito ang patutunguhan mo para sa impormasyon ng proyekto. Patuloy na bumalik para sa mga update. Hinihikayat ka naming magparehistro para sa mga update ng proyekto sa pamamagitan ng email upang mapanatili ka naming maabisuhan tungkol sa mga paparating na kaganapan, mga update sa proyekto at iba pang mga paraan ng pagsasangkot. Mangyaring kontakin kami sa:

County of Santa Clara Planning Office
Attention: Michael Meehan, Principal Planner
County Government Center
70 West Hedding, 7th Floor, East Wing, San José CA 95110
E-mail: [email protected]

Ang mga lokasyon kung saan maaaring repasuhin ang isang naka-print na kopya ng EIR ay:

County of Santa Clara Planning Office
County Government Center
70 West Hedding, 7th Floor, East Wing, San José CA 95110
(408) 299-5700

Bascom Branch Library
1000 South Bascom Avenue
San José, CA 95128
(408) 808-3077

Berryessa Branch Library
3355 Noble Avenue
San José, CA 95132
(408) 808-3050

Cambrian Branch Library
1780 Hillsdale Avenue
San José, CA 95124
(408) 808-3080

Dr. Roberto Cruz Alum Rock Branch Library
3090 Alum Rock Avenue
San José, CA 95127
(408) 808-3090

Hillview Branch Library
1600 Hopkins Drive
San José, CA 95122
(408) 808-3033

Downtown Library
270 Forest Avenue
Palo Alto, CA 94301
(650) 329-2436

Mitchell Park Library
3700 Middlefield Road
Palo Alto, CA 94303
(650) 329-2436

Update ng Plano ng Komunidad ng Stanford

Ang Plano ng Komunidad ng Stanford University​ ay ina-update kasabay ng HEU. Ang dalawang proyekto ay nagbabahagi ng tatlong potensyal na lugar ng pabahay at isang Ulat sa Epekto sa Kapaligiran ay inihanda upang masakop ang parehong mga proyekto. Bisitahin ang website ng proyekto ng Plano ng Komunidad ng Stanford upang mag-sign up para sa mga update, matuto nang higit pa tungkol sa proyekto, tingnan ang mga pagpupulong, at isumite ang iyong mga komento.

 

©2024 County of Santa Clara. All rights reserved.